Pagpapatupad ng Irrigation projects sa buong bansa, pinabibilis ng Department of Agriculture

Inatasan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang National Irrigation Administration (NIA) na pabilisin ang implementasyon ng Irrigation projects sa buong bansa.

Ayon kay Tiu Laurel, malaki ang maitutulong nito para mapabuti ang produksyon ng mga magsasaka sa kanayunan.

Binigyan ng direktiba ni Secretary Laurel si NIA Acting Administrator Eddie Guillen matapos makipagpulong ang kalihim sa mga namamahala sa National at Communal Irrigation Systems sa South-Central Mindanao .


Dumalo kasi sa Regional Irrigators’ Association Congress si Tiu Laurel upang palakasin ang suporta sa Agricultural Production para sa food security alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Facebook Comments