Pagpapatupad ng istriktong quarantine protocols laban sa COVID-19, hindi nakakayanin — Vergeire

Aminado ang Department of Health (DOH) na hindi na kayang magpatupad ng pamahalaan ng mahigpit at istriktong quarantine protocols laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi lamang kasi ang pagpapatupad na quarantine measures ang solusyon para malabanan ang COVID-19 pandemic.

Mismong mga eksperto na aniya ang nagsabi na hindi kakayaning i-maintain ang mahigpit na quarantine protocols sa bansa.


Giit pa ni Vergeire, sinabi na rin ng mga economic managers na hindi na uubra ang pagpapatupad ng quarantine protocols dahil nalugmok na ang ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments