Pagpapatupad ng KALINISAN Nationwide Clean Up Program, babantayan mismo ni PBBM

Babantayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nationwide clean up program na ipinatutupad sa mga barangay sa buong bansa.

Ayon sa pangulo, tuloy-tuloy na ipatutupad at kada buwan ay i-evaluate ang performance ng barangay council sa programang ito upang mabigyan ng pagkilala at parangal ang mga barangay na may natatangi o outstanding performance.

Mahalaga ayon sa pangulo ang papel ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan lalo na sa paglilinis ng mga kalsada o kalye, kanal, paligid ng palengke at eskwelahan tungo sa luntian at mas malusog at ligtas na komunidad sa buong bansa.


Kaya ayon sa presidente na mahalagang mapanatiling maayos at malinis ang bawat barangay tungo sa bagong Pilipinas.

Inilunsad ang National Community Development Day at KALINISAN Nationwide Clean Up Program nitong Sabado, January 6 kung saan libu-libong barangay at youth councils ang nagpatupad nito sa kani-kanilang komunidad kung saan mahigit 5 milyong kilo ng basura ang una nang nakolekta.

Facebook Comments