Naniniwala ang pamunuan si National Capital Region Police Office o NCRPO Maj. Gen Guillermo Eleazar na maayos naman generally sa ngayon tungkol sa liquor ban dahil mahigpit na tinututukan ng mga pulis ang kanilang Area of Responsibility.
Sa ginanap na forum sa Balitaan sa Maynila sinabi ni Eleazar na hindi naman umano makaapekto sa pangkahalatan sa halalan ang tinatawag nilang Area of Concern dahil mahigpit nilang tinututukan ang vote buying at liquor ban.
Paliwanag ng heneral na kapag mayroong basehan para maimplicate ang isang politiko sa vote buying kung saan 84 na mga suspek sa Metro Manila ang kanilang naaresto kabilang ang Muntinlupa, Makati at Quezon City na garapalang bumibili ng boto.
Giit ni Eleazar na irerefer nila sa DILG ang mga nahuhuli sa Makati dahil mayroong mga Barangay opisyal ang ilang mga nahuhuling naroroon ng magkaroon ng bilihan ng boto.