Pagpapatupad ng Liquor Ban sa Isabela, Pinalawak ang Sakop!

Cauayan City- Dinagdagan pa ang mga dahilan sa pagpapatupad ng liqour Ban sa Lalawigan ng Isabela.

Ayon kay Atty. Randy Arreola, layunin ng nasabing pag amyenda sa kasalukuyan ordinansa ay upang mas mahigpitan at disiplinahan ang mga mamamayaman sa pag-inom ng alak tuwing mga mga kalamidad na nararanasan sa Lalawigan ng Isabela.

Magugunita na agad ipinaiiral dito sa Lalawigan ang pagbabawal sa pagbebenta, pagbili at pag inom ng alak tuwing may banta, at nakataas ang ano mang storm warning signal sa Isabela sa panahon ng mga bagyo.


Ngunit sa inamyedahan ng lokal na batas ng mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Atty. Arreola na siyang may akda sa naturang ordinansa, kanilang idinagdag na maaari na rin magpatupad ang Lalawigan ng liqour Ban tuwing may malalakas na paglindol na nakaapekto sa maraming mamamayan, pagbaha dulot ng mga pag uulan, at iba pang kalamidad na gawa ng kalikasan.

Maaari na rin ipatupad ang nasabing ordinansa tuwing may kaguluhan sa isang lugar na malala at labis na nakakaapekto sa taong bayan o man made calamities.

Sa kasalukyan ay pinaiiral pa rin sa lambak ng Cagayan kasama na ang lalawigan ng Isabela sa Liquor Ban habang nasa ilalim pa rin ng tinatawag na ‘new normal’ o General Community Quarantine ang ilang mga lugar sa buong Luzon.

Facebook Comments