Pagpapatupad ng lockdown, hindi solusyon sa pandemyang kinakaharap ng bansa

Nanindigan ang isang grupo ng mga doktor na hindi solusyon ang lockdown sa kinakaharap na pandemya ng bansa dahil sa COVID-19.

Sa inilabas na pahayag ng Philippine Society of General Internal Medicine (PSGIM), iginiit ng grupo na sa halip na asikasuhin ng gobyerno ang pagpapatupad ng lockdown, mas mabuting pagtuunan na lamang nito ng pansin kung paano muling bubuksan ang ekonomiya ng bansa.

Hindi anila paraan ang pagpapaluwag ng quarantine measures sa kasagsagan ng pagdami ng kaso ng COVID-19.


Samantala, suportado naman ng PSGIM ang hiling ni Philippine College of Physicians President Dr. Maricar Limpin at iba pang mga doktor na isailalim muli ang Metro Manila sa ECQ dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Tutol naman ang grupo ang akusasyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tila wala na umanong nasabing maganda ang mga medical workers sa gobyerno.

Facebook Comments