Pagpapatupad ng lockdown sa Melbourne, pinalawig pa dahil sa COVID-19 Indian variant

46

Pinalawig pa ang nagpapatuloy na lockdown sa Melbourne, Australia dahil sa Indian variant ng COVID-19.

Dahil dito, aabot sa limang milyong residente ang nananatili pa rin sa loob ng bahay.


Ayon kay Victoria State Premier James Merlino, pinalawig pa ang dapat na pitong araw lamang na lockdown dahil sa pangamba na kumalat ang variant na nagsimula sa isang balikbayan.

Nagsagawa naman ng paghahanap ang gobyerno para sa libong indibidwal na naka-close contact ng biktima.

Facebook Comments