Pagpapatupad ng lockdown sa Sampaloc, Maynila, go signal na lamang ni Mayor Isko Moreno ang inaantay

Kinumpirma ni Manila Police District Director Brig. General Rolando Miranda na magpapatupad sila ng total lockdown sa buong Samploc area sa Lungsod ng Maynila.

Ito’y kasunod ng tumataas na bilang ng nagpositibong kaso ng Coronavirus Disaease o COVID-19 sa Sampaloc kung saan umaabot na sa 95 ang bilang habang nasa 110 ang suspected na kaso ng nasabing sakit.

Ayon kay General Miranda, 48-hours ang total lockdown sa Sampaloc pero hindi pa sigurado kung kailan ito maipapatupad dahil inaantay pa nila ang go signal ni Mayor Isko Moreno.


Dagdag pa ng opisyal, maaaring ipatupad ang lockdown kapag natapos na ang pamamahagi ng mga food packs at financial assistance sa mga residente nito.

Unang kumalat sa social media na isasara ang buong Sampaloc ng 48 oras mula Abril 20 alas-8:09 ng gabi hanggang Abril 22 ng alas 8:00 ng gabi kaya’t naalarma dito ang mga residente.

Pero sa ngayon, wala pa naman itinatakdang petsa ang lokal na pamahalaan maging ang MPD kung kailan sisimulan ang lockdown sa sampaloc.

Facebook Comments