Hindi pa napapag-usapan ng pamahalaan ang posibleng pagpapatupad muli ng lockdown o pagtataas ng quarantine status sa Alert Level 5.
Paliwanag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, wala pa silang balak na gawin ito dahil mataas naman ang vaccination rate sa Metro Manila.
Bukod dito, nakasailalim pa sa Alert Level 3 ang NCR at 18 iba pang lugar sa bansa.
Gayunman, pinag-aaralan na umano ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang posibleng pagtataas ng Alert Level 4 sa NCR na inirekomenda ng Department of Health (DOH).
Sa ilalim ng Alert Level 4, papayagan lamang mag-operate ang mga establisyimento sa 10% indoor capacity para sa mga fully vaccinated individual at 30% outdoor capacity.
Bawal din ang non-essential activities na maaaring simulan ng mga mass gathering.