Hinikayat ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ang mga Local DRRMs na may sakop ng mga katubigang dinadagsa ng tao, na paigtingin ang kanilang mga polisiya kaugnay sa pagtungo ng publiko sa mga baybayin.
Kasunod ito ng inaasahang dagsa ng mga beachgoers sa mga dagat lalo ngayong umiiral na ang panahon ng tag-init.
Ayon kay Pangasinan PDRRMO Operations Head Vincent Chui sa Pantongtongan Tayo ng PIA Pangasinan, patuloy ang pag-abiso ng tanggapan sa mga DRRMs personnels at rescuer na palawigin ang kanilang pagbabantay upang matututukan ang posibleng mga insidenteng pagkalunod.
Aniya, mahalaga ring palakasin ang pamamaraan ng pagtugon ng mga ito upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko.
Kasabay nito ang paalala rin sa mga Pangasinenses ang pag-iingat tulad ng hindi dapat paglangoy kung nakainom ng alak dahil kadalasan sila umano ang naitatalang mga biktima ng drowning incident.
Samantala, nakatakdang dagdagan pa ang aantabay na mga kawani sa mga baybayin sa lalawigan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa buong Summer Vacation. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨







