Pagpapatupad ng mandatory heat breaks para sa mga manggagawa, panawagan ng isang kongresista kay PBBM

Nananawagan si Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na maglabas ng executive order para sa pagpapatupad ng mandatory heat breaks.

Giit ni Brosas, responsibiidad ng gobyerno at mga employers na protektahan ang kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa sa lahat ng pagkakataon.

Ang apela ni Brosas kay Pangulong Marcos ay sa gitna ng kabiguan ng Labor Advisory 08, series of 2023 na inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) na protektahan ang mga manggagawa laban sa nararanasan ngayong matinding init ng panahon.


Pangunahing inihalimbawa ni Brosas ang mga nagtatrabaho sa sektor ng agrikultura, sa contruction, mga delivery riders, at iba pang manggagawa na nalalantad sa labas o sa init at mas mataas ang tsansa na makaranas ng heat stress o tamaan ng heat stroke.

Kaugnay nito ay hinikayat naman ni Brosas ang mga manggagawa na makipagdayalogo sa kanilang mga employers at sa mga lokal na pamahalaan para sa pagpapatupad ng mga polisiya na magpaprayoridad sa kanilang kaligtasan sa gitna ng extreme heat conditions.

Facebook Comments