Nasa kamay ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang pagpapasya kung kailangan na bang sapilitang pauwiin ang mga kababayan natin sa Ukraine na naiipit ngayon sa gulo.
Sa LLaging Handa public press briefing, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola na sa ngayon kasi ay nasa Alert Level 2 pa lang ang status sa Ukraine kung kaya’t voluntary pa lamang ang paglikas.
Kapag iniakyat na ito sa Alert Level 4 ni DFA Locsin doon na ipag-uutos ang mandatory o sapilitang paglilikas sa ating mga kababayan.
Sinabi pa ni Arriola na isa sa mga maaaring kondisyon upang maipatupad ang mandatory repatriation ay ang presensya ng armed conflict.
Ganunpaman, kinakailangan talagang i-determina muna ni Secretary Locsin ang sitwasyon sa Ukraine gayung iba kasi ang nakikita o sitwasyon sa telebisyon at sa grounds.
Sa ngayon, mas mainam aniyang hintayin muna ang desisyon ni Sec. Locsin hinggil dito.