Pagpapatupad ng Martial Law sa buong bansa, walang dahilan – Malacañang

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na walang dahilan sa ngayon para magdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law sa buong bansa.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap ng pangamba ng spill over o mangyari din sa ibang lugar sa labas ng Mindanao ang mga pagsabog o pagatake ng mga terorista.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, walang indikasyon silang nakikita na mangyayari sa ibang bahabi ng bansa ang pambobomba sa Jolo, Sulu.


Sinabi ni Panelo na malaing tulong dito ang ipinatutupad na total lockdown sa lugar na ipinagutos aniya ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Umapela naman si Panelo sa publiko na ipagpatuloy lang ng normal ang pamumuhayn dahil ginagawa naman ng Pamahalaan ang lahat upang matiyak ang seguridad ng mamamayan.
Binigyang diin pa ni Panelo na ligtas ang buong bansa at hand ang gobyerno na pigilan ang anomang tangkang panggugulo.

Facebook Comments