Manila, Philippines – Muling ipinagtanggol ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde ang patuloy na pagpapatupad ng Martial Law sa Mindanao.
Sa harap ito ng pagkwestiyon sa pagiging epektibo ng batas militar sa pagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan sa rehiyon.
Ito ay dahil na rin sa mga nangyaring pagsabog sa Jolo, Sulu at sa Zamboanga City.
Giit ni Albayalde – kung walang Martial Law, baka noong isang taon pa lang ay marami nang insidente ng pagpapasabog ang naisakatuparan ng mga terorista.
Una rito, sumuko na si Alyas Kamah at apat pang kasamahan nito na suspek sa pagpapasabog sa Jolo.
Facebook Comments