Pagpapatupad ng mas mahabang community quarantine classifications sa bansa, pinag-aaralan na ng pamahalaan

Pinag-aralan na ng pamahalaan ang pagpapatupad ng mas mahabang community quarantine classifications sa bansa.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, pinag-uusapan na ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 pandemic response ang isang buwan community quarantines.

“We’re looking into longer-term period ng community quarantine. In other words, baka hindi na 14 days, baka one month ang duration. At we’re also looking into, establishing mga patakaran din kapag sinabing yung new normal” – ani ni Lopez.


Matatandaang simula nang ipatupad ang community quarantine noong March, palagian nang inaanunsyo ng pamahalaan ang mga community quarantine classification sa ilang parte ng bansa tuwing ika-15 araw ng buwan.

Samantala, balik-operasyon na bukas, Setyembre 1 ang mga non-essential industry gaya ng gyms, personal grooming services, review, testing, at tutorial centers at internet cafes.

Paliwanag ni Lopez, hanggang 30 percent capacity ang pinayagan makapag-operate.

Facebook Comments