Pagpapatupad ng mas pinaigsing oras ng curfew hour sa Makati City, aprubado na

Ipatutupad na mamayang gabi ang bagong oras ng curfew hour sa lungsod ng Makati.

Ito’y matapos lagdaan ni Makati Mayor Abby Binay ang Executive Order No. 23 na kaugnay sa bagong oras ng curfew hour sa lungsod.

Batay sa nasabing kautusan, magsisimula ng alas-10:00 mamayang gabi ang curfew sa lungsod at matatapos ng alas-5:00 ng umaga sa susunod na araw.


Hindi naman kasali rito ang mga kasama sa Authorized Person Outside Residence (APOR), tulad ng health workers at fronliners.

Bibigyan naman ng isang oras na window hour ang mga manggagawa sa resturant at ibang manggagawa sa mga business establishment na lalabas sa kanilang mga trabaho ng alas-10 ng gabi.

Ayon sa alkalde, ang bagong oras ng curfew hour sa lungsod ay ipatutupad habang nasa ilalim ng community quarantine ang Metro Manila upang maiwas ang pagkalat pa ng COVID-19.

Facebook Comments