Mariing itinanggi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang isinailalim ang Metro Manila sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) dahil sa kakulangan ng pondo para sa ayuda.
Giit ni Nograles, kahit tumataas pa rin ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 ay nagdesisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) na ibinaba sa MECQ ang Metro Manila upang balansehin ang ekonomiya at kalusugan ng mga Pilipino.
Nilinaw naman ng opisyal na kahit MECQ na ay papayagan pa rin ang mga local government unit (LGU) na magpatupad ng hard lockdown sa mga lugar na may clustering ng virus.
Samantala, August 20 nang magtapos ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila pero nasa 60% pa lamang ng mga target beneficiaries ang nakakatanggap ng ayuda.
Tiniyak naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na karamihan sa mga LGU ay makakayang matapos ang pamamahagi ng cash aid ngayong Agosto.