Dismayado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nakitang kalbong mga bundok sa Rizal nang magsagawa ito ng aerial inspection kaugnay sa epekto ng bagyong Enteng.
Ayon sa Pangulo, panahon na para ipatupad nang mas mahigpit ang mga batas laban sa mga iligal na aktibidad sa kabundukan.
Kailangan na aniyang maparusahan ang mga lumalabag sa batas dahil hindi na ito kwestyon ng iligal na aktibidad kundi may nadadamay nang buhay ng tao.
Giit ng pangulo, marami nang namamatay dahil sa iligal na aktibidad sa kalikasan at dapat na itong matuldukan.
Matatandaang nitong kasagsagan ng bagyong Enteng pitong tao ang nasawi dahil sa pagguho ng lupa sa Antipolo City.
Facebook Comments