PAGPAPATUPAD NG MGA BATAS SA KALSADA, PINAIGTING NG LTO REGION 1

Pinaigting ng Land Transportation Office (LTO) Region 1 ang pagpapatupad ng mga batas sa kalsada sa pamamagitan ng Orientation/Re-Orientation Deputation Training para sa mga Law Enforcement Officers at Lady Law Enforcement Officers kahapon, Disyembre 16.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ang mga deputized na opisyal ng sapat na kaalaman at kasanayan sa tamang pagpapatupad ng mga batas at regulasyon sa transportasyon.

Kabilang sa tinalakay sa seminar ang mga bagong polisiya sa trapiko, regulasyon sa rehistrasyon ng sasakyan at lisensya ng motorista, at mga protocol sa kaligtasan sa kalsada.

Ayon sa LTO, mahalaga ang patuloy na pagsasanay upang ma-update ang mga enforcer sa nagbabagong polisiya sa transportasyon, at upang masiguro na ang pagpapatupad ng batas ay propesyonal, makatarungan, at kapaki-pakinabang sa publiko.

Facebook Comments