Pagpapatupad ng nakasaad sa saligang batas patungkol sa exclusive economic zone mauuwi lang sa gulo ayon sa Malacanang

Dinipensahan ng palasyo ng Malacanang ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang saysay ang probisyon ng saligang batas na nagsasabi na dapat protektahan ng estado ang kayamanan ng karagatan na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas kabilang ang exclusive economic zone at mga pilipino lamang ang maaaring gumamit nito.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, kung ipipilit ni Pangulong Duterte na ipatupad ang nakasaad sa saligang batas ay magiging delikado ito dahil siguradong hindi ito magugustuhan ng China.

 

Sinabi din ni Panelo na anong benepisyo ang makukuha ng bansa kung ipatutupad ang probisyong iyon kung mawawala naman ang lahat.


 

Paliwanag ni Panelo, ang solusyon dito ni Pangulong Duterte ay makipag negosasyon sa China at makipagkaibigan dito.

 

Epektibo naman aniya ito, dahil maganda ngayon ang trade relations ng Pilipinas at China.

Facebook Comments