Pagpapatupad ng nationwide MGCQ, nasa kamay ng IATF ayon sa DILG

Nasa Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpapasya kung tatanggapin nito ang mga panawagang ilagay na ang buong bansa sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa harap ng COVID-19 pandemic.

Ito ang binigyang diin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) matapos ipanukalang ibaba sa MGCQ status ang buong bansa para mabuksan pa ang ekonomiya.

Ayon kay DILG Spokesperson Jonathan Malaya, ang bola ay nasa IATF kung pagbibigyan nito ang mungkahing nationwide MGCQ.


Sa panukalang payagan ang mga Local Government Unit (LGU) na direktang bumili ng COVID-19 vaccine purchase, sinabi ni Malaya na malabo itong mangyari dahil ang mga bakuna ay nasa ilalim ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA).

Facebook Comments