*Manila, Philippines – Sa kabila ng umiiral na Nationwide Smoking Ban, *marami pa ring nahuhuling naninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
May ilang pasaway pa ring patuloy na nagsusunog-baga sa mga hindi itinalagang smoking area.
Pero ayon kay Quezon City Administrator Aldrin Cuña – nabawasan na ang mga nagyoyosi sa mga pampublikong lugar sa kanilang lungsod.
Aminado naman si Cuña na malaking hamon pa rin ang laki ng kanilang nasasakupan.
Kaya bubuo sila ng task group na huhuli ng mga pasaway.
Sa ilalim ng Executive Order no. 26, mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar gaya ng mga eskwelahan at transportasyon.
Aabot sa 500 hanggang 10,000 pesos ang multa sa mga mahuhuling lalabag.
Pinapayagan namang magtalaga ng indoor and outdoor smoking area sa mga establisyimento.