
Dinipensahan ng Malacañang ang pagpapatupad ng “no cellphone policy” sa media sa paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng General Appropriations Act para sa 2026.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi lamang mga miyembro ng media kundi lahat ng bisita ang hiniling na magsurrender ng kanilang cellphone sa naturang aktibidad.
Naging mas maayos aniya ang programa dahil ang lahat ng inimbitahan ay nakatuon sa mismong paglagda ng Pangulo sa national budget.
Binigyang-diin din ni Castro na naka-live stream ang buong seremonya at sabay-sabay itong napanood ng publiko, kaya wala umanong isyu pagdating sa transparency.
Dagdag pa ng Palasyo, matapos ang paglagda ay nagkaroon naman ng press briefing kung saan sinagot ang lahat ng katanungan ng media.










