Pagpapatupad ng “no vaccine, no subsidy” policy, legal na hamon sa bansa – Malakanyang

Aminado ang malakanyang na may na legal na hamon sa bansa ang pagpapatupad ng “No vaccine, no subsidy” policy.

Ito ang panukala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na layong tanggalin sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang mga Pilipinong hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bagama’t nakikitang maaari itong i-require sa mga 4Ps beneficiary ay tiyak na mahihirapan pa rin dito ang gobyerno.


Hinimok naman ni Roque ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pag-aralan muna ang panukala habang hindi pa ito inaamyendahan.

Batay sa tala ng DSWD, nasa 12 porsyentong pa lamang ng benepisyaryo ng 4Ps ang nabakunahan na laban sa COVID-19.

Habang nasa 4.4 million kabahayan ang nakarehistro sa ilalim ng conditional cash transfer program na kinabibilangan ng 18 million indibidwal.

Facebook Comments