Pagpapatupad ng “no window hour” at “60 kilometer speed limit” policy, hindi pa ganap na epektibo

Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi pa epektibo ang no window hours policy sa number coding scheme at ang 60-kilometer per hour speed limit sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, aabutin pa ng 15 hanggang 20 araw bago mapatupad ang nasabing mga polisiya.

Sabi pa ni Pialago, inaalam pa nila ang cost-effectiveness ng overtime pay sa kanilang mga tauhan at ang pagkakaroon ng stationary speed guns para sa implementasyon ng 60 kph speed limit.


Facebook Comments