PAGPAPATUPAD NG NUTRITION PROGRAMS SA MGA PAARALAN SA BAYAMBANG, MAS PAIIGTINGIN

Sumailalim sa Reinforcement Training ang limampung focal persons on health ang nutrition, upang pagtibayin pa ang pagpapatupad ng mga programa sa mga paaralan.

Tinalakay rito ang mahahalagang paksang pangkalusugan at Yearly School Monitoring, maging ang Water, Sanitation, and Hygiene in Schools (WASH/WINS) Guidelines.

Itinuro rin ang mga pamantayan para sa Hydroponics at School Gulayan upang magkaroon ng abot-kamay na source ng masustansyang pagkain sa mga paaralan.

Inaasahan na sa pamamagitan nito ay mapapatatag ang kakayahan ng mga kinatawan sa pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan at pangnutrisyon para sa kapakanan ng mga mag-aaral sa buong bayan.

Matatandaan din, na pinasinayaan nito lamang Martes ang bagong gusali ng Municipal Nutrition Action Office upang maging madali ang access sa mga programa at supplement sa mga residente.

Facebook Comments