Suportado ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pasya ng Department of Agriculture (DA) na magpatupad ng suggested retail price o SRP sa sibuyas.
Tiwala si Romualdez na magbibigay ito ng proteksyon sa mga consumers mula sa mga abusadong negosyante na nagmamanipula sa presyo ng mga bilihin.
Umaasa rin si Romualez na daan ito para matuldukan ang onion cartel na siyang nasa likod ng manipulasyon sa suplay ng sibuyas kaya sumirit ang presyo nito hangang 700 pesos kada kilo noong nakaraang taon.
Gayunpaman, ipinaalala ni Romualdez na sa pagpapatupad ng onion-SRP ay siguruhing mapo-proteksyunan ang interes ng mga stakeholders tulad ng mga traders, market vendors, lalo na ang mga onion farmers ng bansa.
Kasabay nito ay hiniling ni Romualdez sa DA na pagkalooban ng nararapat na tulong at insentibo ang mga magsasaka, lalo na ang nagtatanim ng sibuyas, para mapalakas ang kanilang produksyon at masiguro ang sapat na suplay nito sa bansa.