Ipinauubaya na ng Department of Health (DOH) sa school officials ang pagpapatupad ng online classes upang maiwasan ang mabilis na hawaan ng COVID -19.
Ayon kay Health OIC Maria Rosario Vergeire, kabilang ito sa mga napagkasunduan ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ng DOH.
Partikular aniya ang pagpapaubaya sa Education Department at sa Commission on Higher Education (CHED) ng pagdedesisyon sa pagpapatupad ng pansamantalang online classes.
Inilahad din ni Vergeire ang kahalagahan ng pagsunod sa health protocol upang maiwasan ang pagkalat ng infection.
Aniya, dadating kasi ang panahon na magiging ordinaryong sakit na lamang ang COVID-19.
Facebook Comments