Pagpapatupad ng OSH Standards, hihigpitan; Fact finding committee, binuo

Manila, Philippines – Hinigpitan pa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng Occupational Safety and Health Standard sa lahat ng industriya at establisyimento kasunod ng nangyari sa aktor na si Eddie Garcia.

Matatandaang 2018 pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11058 o Occupational Safety and Health Standards Law kung saan obligado ang mga employer na tiyakin ang kaligtasan ng mga manggagawa.

Ayon kay Noel Binag, executive director ng Occupational Safety and Health Center – kahit 1978 pa nabuo ang OSH Standards sa bansa, kinailangang lagyan ito ng pangil.


Sa ilalim ng OSH Standard ng DOLE, bawat kumpanya ay bubuo ng OSH at komite na kinabibilangan ng mga doktor, nurses, first aider at safety officer.

Dapat ding siguraduhing hindi takaw disgrasya ang lugar na pinagtatrabahuan.

May nakitang paglabag si Binag sa kaso ng aktor na naaksidente sa gitna ng shooting para sa isang TV show.

Bumuo na ng fact finding committee ang binuo para busisiin ang insidente.

Facebook Comments