Pagpapatupad ng P2P operation ng mga UV Express, postponed muna

Ipagpapaliban ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa loob ng dalawang linggo ang pagpapatupad ng terminal-to-terminal basis sa lahat ng UV Express units.

Ito ay habang nagpapatuloy ang konsultasyon hinggil dito.

Ang LTFRB ay nag-isyu ng Memorandum Circular 2019-025 nitong Mayo, na nag-aamyenda sa 2009 Memorandum na nagbubuwag sa two-kilometer radius mula sa endpoints ng UV Express service matapos malamang karamihan sa mga units ay patuloy na nagpapababa at nagpapasakay ng mga pasahero sa pagitan ng kanilang origin at destination point.


Iminungkahi naman ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na magtalaga ng loading at unloading points sa pagitan ng origin at destination ng UV Express routes kaysa sa ipatupad ang point-to-point policy.

Ang polisiya ay inaasahang magiging epektibo sa kalagitnaan ng Hunyo.

Facebook Comments