Pinaigting ng Dagupan City, katuwang ang PNP Highway Patrol Group (HPG), ang pagpapatupad ng pagsusuot ng helmet sa lungsod upang masiguro ang kaligtasan ng mga motorista.
Ayon kay Regional Highway Patrol Unit (RHPU) 1 Chief Jaycon Ramos, mas handa na ngayon ang kanilang hanay sa mas mahigpit na inspeksyon dahil may 80 personnel nang nakatalaga sa buong Ilocos Region upang tumulong sa operasyon.
Binigyang-diin ni Ramos na ang pagsusuot ng helmet ay pangunahing proteksyon laban sa malubhang head injury sakaling magkaroon ng aksidente.
Nagpaalala naman ang Pamahalaang Lungsod ng Dagupan na unahin ang sariling kaligtasan at sumunod sa batas para sa mas ligtas na daloy ng trapiko sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









