Pagpapatupad ng patas na fare hike sa mga pampublikong bus, tiniyak ng LTFRB

Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magpatupad sila ng patas na taas-singil sa pamasahe na magbebenipisyo hindi lamang sa mga pampublikong bus kundi maging sa mga commuter.

Ayon kay ni LTFRB Chair Cheloy Velicaria-Garafil, bamaga’t hindi tinutulan ng grupo ng mga commuter ang rate adjustment dahil batid ng mga ito ang epekto ng mataas na presyo ng petrolyo pero umaapela ang mga ito kung maaaring babaan ang dagdag-pasahe.

Paliwanag ni Garafil na kailangang maging balanse sa pagtukoy ng fare hike upang ang mga bus operator ay makapagdeploy pa ng mas maraming bus sa mga kalsada habang pinoprotektahan ang mgacommuters mula sa mataas na rate adjustment.


Matatandaang humiling ang grupo ng bus companies na Mega Manila Consortium sa LTFRB ng dagdag P7 pasahe para sa unang limang kilometro para sa air conditioned bus at P4 naman para sa ordinary bus habang humiling din ng P50 na dagdag-pasahe sa kada 100 kilometro ang Provincial Bus Operators Association of the Philippines.

Facebook Comments