Pagpapatupad ng PhilHealth circular, pansamantalang ipinagpaliban

Ipinagpaliban muna ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagpapatupad sa circular na pansamantalang nagsususpinde sa pagbabayad nito ng claims sa mga ospital.

Sa ilalim ng Circular No. 2021-0013, pansamantalang sinususpinde ang pagbabayad ng utang bilang preventive measures laban sa mga healthcare providers na iniimbestigahan dahil sa mga kwestiyonableng COVID-19 claims.

Ayon kay PhilHealth spokesperson Shirley Domingo, hindi rin kasi nila pwedeng ibasura ang circular dahil kailangan din ito para tugunan ang insurance fraud.


Nilinaw din ni Domingo na walang anumang hospital claims silang hinaharang simula nang mag-umpisa ang pandemya.

Samantala, sa pagdinig ng Kamara noong nakaraang linggo, sinabi ng PhilHealth na nasa P21 billion claims pa na inihain ng mga ospital ang hind pa nababayaran.

Pero sabi ni Domingo, ang nasabing halaga ay hindi lamang mga utang kundi ang mga bayarain na kasalukuyan nang ipinoproseso ng ahensya.

Facebook Comments