Pagpapatupad ng PhilHealth Payment Recovery policy, magpapabilis sa pagproseso ng mga hospital claims ayon sa ARTA

Mapapabilis pa ngayon ang pagpoproseo ng hindi nabayarang COVID-19 claims ng mga hospital sa Payment Recovery policy ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director General Jeremiah Belgica, ang PhilHealth Payment Recovery o PPR policy ay proseso sa pagbawi sa mga sobrang kabayaran sa benefit claims na naproseso ng PhilHealth o sa pagkakamali sa pagbawas ng health care institutions o mga health care providers sa mga health benefits ng mga miyembro.

Layon nito na mabawi ng PhilHealth ang mga multa na di pa nababayaran ng health care institutions o sobrang kabayaran sa benepisyo sa pamamagitan ng pagsingil ng multa at ibang legal na pamamaraan.


Binibigyan nito ang PhilHealth ng Debit-Credit Payment Method sa mga hospital at hindi lamang sa COVID-19 hotspot areas.

Ani Belgica, mapoprotektahan nito ang PhilHealth mula sa pagkalugi mula sa maanomalyang gawain ng mga ospital.

Nauna nang binatikos ang PhilHealth dahil sa naantalang pagbabayad sa mga pampublikong ospital para sa COVID claims.

Facebook Comments