Pagpapatupad ng Philippine Rural Development Project para sa mga magsasaka at mangingisda, iginiit ni PBBM

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang pagpapatupad sa mga proyektong maglalapit sa mga mangingisda at magsasaka sa merkado ay magreresulta ng paglaki ng kita ng mga ito.

Sinabi ng pangulo na sa ilalim ng Philippine Rural Development Project (PRDP) Scale-UP ay layunin nitong mapaunlad ang sektor ng agrikultura na mapakikinabangan ng Pinoy farmers at fishermen maging ng consumers.

P45.1 billion ayon sa presidente ang inilaang pondo para sa nasabing programa sa harap na rin ng pagnanais ng administrasyon na mapalakas ang agrikultura sa bansa at masuguro ang kapakanan ng mga magsasaka at mangingisda.


Kaugnay nito’y nakapulong ng pangulo ang World Bank sa Palasyo at napag-usapan ang tungkol sa estado ng PRDP Scale-Up.

Kasama rin sa prayoridad ng nasabing proyekto ang pagpapatuloy ng paggawa ng mga farm-to-market road.

Facebook Comments