Pagpapatupad ng polisiya laban sa PDA, hindi magtatagal – VP Robredo

Naniniwala si Vice President Leni Robredo na ang polisiya laban sa Public Display of Affection (PDA) ay posible lamang mauwi kagaya ng nangyari sa motorcycle barriers na hindi nagtagal.

Ito ang pahayag ng Bise Presidente matapos manawagan ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na iwasan ang PDA para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, hindi maunawaan ni Robredo kung ano ang logic sa likod nitong polisiyang ito.


Aniya, ipinagbabawal magholding hands sa publiko ang mag-asawa gayung magkatabi naman silang natutulog sa kama.

Gayumpaman, binibigyan ng pagkakataon ni Robredo ang bagong direktiba ng PNP.

Pero pangamba ni Robredo ay posible lamang ito mahalintulad sa pagpapatupad ng motorcycle barriers na ni-require dati sa mga mag-asawa – pero agad ding binawi.

Payo ng Bise Presidente, dapat magsagawa ng pag-aaral ang PNP bago sila maglabas ng mga bagong polisiya.

Facebook Comments