Pagpapatupad ng price freeze sa buong bansa, hindi pa kailangan ayon sa DA

Walang pangangailangan para mag deklara ng price freeze sa buong bansa.

Ito ang tugon ng Department of Agriculture (DA) sa mungkahi ng isang senador na ipatupad ang price freeze sa gitna ng nararanasang matinding epekto ng El Niño.

Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, ipatutupad lamang ng price freeze kapag may deklarasyon ng state of emergency.


Paliwanag ni De Mesa, karamihan lamang ng mga apektado ay nasa Western section lamang at kani-kaniya rin aniyang deklarasyon ng state of emergency ang ibat ibang lugar na apektado.

Hindi rin aniya na makatwiran na idamay ang iba pang bahagi ng bansa na hindi naman tinamaan ng El Niño.

Facebook Comments