Hiniling sa pamahalaan ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas na magpatupad ng price freeze sa mga batayang bilihin kasunod ng ikawalong big-time na taas-presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa ilalim ng House Resolution 2310, tinukoy na noong September 10, 2021 ay pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasailalim sa bansa sa “state of calamity” dulot ng COVID-19 pandemic.
Bunsod nito, dapat ay magpatupad ng automatic price freeze sa mga bilihin gaya ng bigas, delata, gulay at mantika sa loob ng 2 buwan o hanggang November 9 salig na rin sa probisyong nakapaloob sa Price Act.
Umaasa naman ang kinatawan na matutugunan ng pamahalaan ang pananamantala ng oil companies sa patuloy na pagpapatupad ng oil price hike na nagresulta ngayon sa mataas na presyo ng bilihin at serbisyo.