PAGPAPATUPAD NG PUBLIC HEALTH PROTOCOLS SA MGA BAYAN NG LA UNION NA ISINAILALIM SA MECQ, PINAIGTING

LA UNION PROVINCE  – Karagdagang pulis ang idineploy sa San Fernando City, Agoo, Balaoan, Sudipen at Bauang sa probinsiya ng La Union bilang pagpapaigting sa public health protocols.

Ang mga nabanggit na lugar ay isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine dahil sa pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19.

Base umano ito sa kahilingan ng mga nabanggit na LGU’s bilang tulong sa pagbabantay sa mga checkpoints nang maiwasan ang pagpasok ng mga Non-APOR.


Inatasan din ang mga ito na siguraduhing maipatutupad ang curfew hours sa mga nabanggit na lugar sa oras na 9: 00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga.

Samantala, ang bayan ng San Gabriel ay isasailalim din sa MECQ bukas, ika-4 ng Oktubre.

Facebook Comments