Ipaiiral pa rin ang paggamit ng quarantine pass kahit bahagyang niluwagan na ang quarantine protocol sa ilang lugar sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mahigpit pa ring ipapatupad ang paggamit ng quarantine pass lalo na sa mga lugar na isinailalim sa lockdown ng mga lokal na opisyal.
Aniya, kapag may lockdown ay awtomatikong maghihigpit ang mga opisyal at dapat na sundin ang mga polisiya lalo na sa paglabas ng bahay ng mga residente.
Matatandaang noong ipinatupad ang lockdown sa Metro Manila, limitado ang mga pinapayagang lumabas ng bahay at ito ay kapag mayroon lamang matinding pangangailangan kagaya ng pagbili ng pagkain o gamot.
Facebook Comments