Manila, Philippines – Umapela ang Laban Konsyumer sa Manila Water na huwag muna nilang ipatupad ang kanilang rate increase matapos ang water interruption.
Ayon kay Laban Konsyumer President Vic Dimagiba, nagpadala na sila ng request letter sa Manila Water dahil ang kumpaniya ang agad na makakapagdesisyon hinggil rito.
Giit ni Dimagiba, dapat isa-alang-alang ng Manila Water ang dinulot na perwisyo sa kanilang customer ng nangyaring water crisis.
Matatatandaang una nang inaprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS ang P2.10 dagdag singil ng Manila Water kada cubic meter.
Facebook Comments