PAGPAPATUPAD NG REGULASYON SA PAGLIGO SA ANGALACAN RIVER SA MANGALDAN, TUTUTUKAN AT HIHIGPITAN NG LGU

MANGALDAN, PANGASINAN – Dahil sa mga naitatalang disgrasya ng insidente ng pagkalunod sa Angalacan River na matatagpuan sa bayan ng Mangaldan ay nagdesisyon na ang mga awtoridad na magpasa ng isang ordinansa na nagbabawal sa pagligo sa mga delikadong bahagi o lugar ng naturang ilog.
Nito lamang ika-25 ng Abril, isang lalaking 44-anyos ang nalunod matapos nitong iligtas ang kanyang pamangkin na muntikan nang malunod sa ilog ngunit sa kasamaang palad, nalunod ang biktima.
Matapos ang insidente, nagkaroon ng agarang pulong ang LGU Mangaldan kasama ang mga Barangay na sakop ng ilog upang pag-usapan ang mga mahahalagang usapin gaya na lamang ng mahigpit na pagpapaalala at pagbabantay sa nasabing ilog.

Sa kanilang meeting, hihigpitan at tututukan umano ng LGU ang naturang lugar dahil nakakaalarma ito at lubhang mapanganib.
Hinimok naman ng alkalde ang mga punong barangay na malapit sa Angalacan River na magtalaga at maglagay ng mga barangay tanod na magbabantay at pupwesto na malapit sa .gayundin ang pagkakaroon ng sari-sariling raft o balsa na magagamit ng mga ‘rescuers’ sakaling kailangang magsagawa ng search and rescue operation.
Bukod dito ay pinaplano rin ng LGU na magpatayo ng isang disaster command center at watchpad sa ilog upang matutukan ang mga residenteng maliligo sa lugar. #ifmnews
Facebook Comments