Iginiit ng Malacañang na importanteng magkaroon ng dagdag na safety measures na ipatutupad ang mga provincial o Local Government Unit (LGU) para masigurong hindi kakalat ang COVID-19 sa mga lokalidad.
Ito ang pahayag ng Palasyo sa gitna ng mga ulat na may ilang OFWs ang nagpositibo sa COVID-19 pagdating sa kanilang home provinces.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang COVID-19 testing ay sumasalamin lamang sa estado ng kalusugan ng tao makaraang i-test ito.
Aniya, posible pa rin ang infection sa pagitan ng panahong isinalang ang tao sa test at ang panahong bumibiyahe na ito.
Muling nagpaalala si Roque sa lahat na sundin ang precautionary measures na inirekomenda ng health authorities kapag mayroong travel.
Facebook Comments