Pormal na nailunsad sa bayan ng Bayambang ang programa na Safety Seal Certificate na ibinibigay sa mga establisyemento bilang patunay na ligtas ang lugar mula sa banta ng COVID19.
Ayon kay Carmela Santillan, Chief Executive Assistant at OIC HRMO na sinimulan ito sa bayan bilang pagtalima at responsibilidad ng bawat isa ang sumunod sa umiiral na batas ngayon pang panahon ng pandemya.
Pakiusap pa ni Santillan na magtulungan sa pagsecure ng Safety Seal ang mga establisyemento tulad ng groceries, supermarkets, convenience stores, construction supplies/hardware stores, at iba pa.
Ang DTI safety seal certification program ay isang certification scheme na naglalayong mabigyan ng seguridad ang publiko na ligtas ang isang establisyemento at sumusunod sa pagpapatupad ng minimum public health standards na itinakda naman ng national IATF.
Hinikayat din naman ng ahensiya ang mga ito na iadopt ang StaySafe.ph digital contact tracing application para sa epektibong pagcontain sa pagkalat ng COVID-19.