Pagpapatupad ng schedule ng taripa para sa PH-Korea Free Trade Agreement, ipinag-utos ni PBBM

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kautusang magpapatupad ng schedule ng taripa ng bansa sa ilalim ng Free Trade Agreement (FTA) ng Pilipinas at South Korea o malayang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa Executive Order No. 80, sinabi ng pangulo na kinakailangan baguhin ang mga rate ng import duty sa ilang imported na produkto para matugunan ng bansa ang Philippine Schedule of Tariff Commitments sa ilalim ng kasunduan.

Ibig sabihin, sasailalim sa mga rate ng import duties ang lahat ng i-aangkat mula sa South Korea na inalis mula sa mga bodega o free zone sa Pilipinas.


Inaasahang magbibigay ang Korea ng preferential duty-free entry sa 11,164 na produktong Pilipino at nagkakahalaga ng 3.18 billion dollars, o 87.4% ng kabuuang imports ng Korea sa Pilipinas.

Nakikita ring mas magiging kapaki-pakinabang ito sa bansa kumpara sa ASEAN–Korea FTA at regional comprehensive economic partnership.

Layon ng kasunduan na palakasin pa ang ugnayang pang-ekonomiya ng dalawang bansa, tungo sa paglikha ng mga bagong oportunidad sa negosyo at investments.

Facebook Comments