Paiigtingin ng Land Tranpsportation Office (LTO) ang pagpapatupad ng mandatong pagsusuot ng seatbelt sa mga sasakyan.
Kasunod ito ng aabot sa 110,000 na nahuling lumabag sa naturang batas sa nakalipas na taon.
Inamin naman ng LTO na malaking hamon pa rin sa kanila ang pagpapatupad ng Republic Act 8750 o ang Seat Belts Use Act of 1999.
Batay naman sa Global Status Report on Road Safety ng World Health Organization (WHO) noong 2018, ang pagsuot ng sealbelt ay nakakabawas sa banta ng pagkamatay ng mga driver at mga nakaupo sa front seat ng 45 hanggang 50% at 25% naman sa mga nasa nakaupo sa likuran.
Facebook Comments