Pagpapatupad ng SIM Registration, dapat higpitan pa –DICT

Aminado ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na hirap silang maipatupad nang maayos ang SIM Card Registration Law.

Sa kapihan sa Manila Bay, sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy na kailangan talagang mas maghigpit pa sa identity verification.

Bago iyan, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na hindi nagiging epektibo ang naturang batas dahil hindi nire-require ang national ID para maiparehistro ang SIM card.


Ayon kay Uy, bagama’t layon sana ng batas na matigil na ang scam ay aminado ang kalihim na hirap itong maipatupad dahil sa kakulangan ng valid identification.

Isa rin kasi sa ipinunto ng DILG na ang pagkabigo na magamit ang national ID sa SIM registration ay naging daan din para lumaganap ang iligal na POGO sa bansa gaya ng kakayanan pa rin na makabili ng ilang indibidwal ng daan-daang mga SIM card.

Facebook Comments