Pagpapatupad ng smoking ban sa Manila, sa una lang?

Manila, Philippines – Hindi naramdaman ng mga residente ng Lungsod ng Manila ang pagpapatupad ng Smoking Ban.

Ayon kay Edwin Cabrera ng Ermita Manila ningas kugon lamang ang kampanyang ng gobyerno na bawal maninigarilyo sa mga establisemento at sa mga matataong lugar dahil marami pa rin naninigarilyo sa mga matataong lugar, establisemento maging sa mga unibersidad at kolehiyo sa Manila.

Paliwanag ni Cabrera ningas kugon lamang ang ipinatutupad ng Manila City Govt na Smoking Ban sa Lungsod dahil maging mga estudyante ay lantarang naninigarilyo at nagtitinda naman sa mga paligid ng paaralan ang mga vendor.
Giit nito dapat mahigpit ang gobyerno sa pagbabawal sa paninigarilyo sa mga matataong lugar, establisemento at sa mga paaralan dahil lubhang nakakaapekto sa kalusugan ng mamamayang Filipino.


Facebook Comments