Pagpapatupad ng surge pricing cap sa mga TNVS, ipinagpaliban ng LTFRB

Pinagbigyan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit ng transport network companies na ipagpaliban ang pagpapatupad ng surge pricing cap sa ride-hailing services.

Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Vigor Mendoza II, imbes na ipatutupad ito sa December 17 ay sa December 20 na ito magiging epektibo.

Kung maalala, itinakda ang surge pricing cap sa ilalim ng Memorandum Circular No. 2025-056 na inilabas kasunod ng mga reklamo ng mga commuter kaugnay sa umano’y hindi makatwirang pagtaas ng pasahe.

Nilinaw ni Mendoza na ang pagpapaliban ay hindi nangangahulugan ng pag-modify o repeal sa polisiya, na mananatiling epektibo hanggang January 4 sa susunod na taon.

Facebook Comments