Pagpapatupad ng taas-singil sa ATM Transactions, hindi basta-basta

Iginiit ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang Automated Teller Machine (ATM) Fees ay hindi awtomatikong tataas kahit inalis ang moratorium hinggil dito.

Nitong July 19, 2019 ay inilabas nila ang Memorandum 2019-020 kung saan inaalis ang Moratorium sa ATM Fees na ipinataw noong September 27, 2013.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, wala silang aktibong hakbang para pigilan ang moratorium, natapos lamang ang effectivity period nito.


Giit ni Diokno, kailangan pa ring may aprroval mula sa kanila kung nais ng mga bangko na itaas ang ATM Fees.

Facebook Comments